Queensland Government
Department of Housing and Public Works

Maaaring mag-apela para sa karamihan sa mga desisyong ginawa ng Department of Housing and Public Works tungkol sa mga serbisyong pabahay. Gayunman, bago tuluyang mag-apela ay kailangan mo munang talakayin ang desisyon at mga dahilan para sa desisyon kasama ang opisyal mula sa iyong pinakamalapit na Housing and Homelessness Services Office. Kung hindi ka nasisiyahan sa mga kinalabasan ng pag-uusap na ito, maaari mong i-apela ang desisyong ito gamit ang paraan ng pag-aapela.

Kailangan mong isumite ang iyong apela sa loob ng 28 araw na ginawa ang desisyon.

Subalit, sa ilang mga pangyayari ang apela ay tatanggapin sa labas ng panahong ito. Walang bayad para sa pag-aapela at sila ay ituturing na kompidensiyal Upang gumawa ng apela, kailangan mong magbigay ng nakasulat na mga detalye ng iyong mga alalahanin sa isang Appeal Application Form, na makukuha mula sa Housing and Homelessness Services Centre sa Queensland, mula sa Housing Appeals at Review Unit ng kagawaran o sa internet site ng kagawaran - www.communities.qld.gov.au/housing.

Sa form, ikaw ay tatanungin upang magbigay ng mga detalye ng desisyong iyong inaapela mo at kung bakit mo ginagawa ito. Dapat ka din maglakip ng mga kopya ng anumang mga dokumento na sumusuporta sa iyong kaso.

Kung kailangan mo ng tulong upang makumpleto ang iyong aplikasyon upang mag-apela dapat mong kontakin ang iyong lokal na manggagawa ng Tenant Advice and Advocacy Service (Qld) (TAASQ).

Ano ang mangyayari sa iyong apela?

Ipapadala ang iyong application form sa Housing Appeals and Review Unit ng kagawaran sa Brisbane para itala ang apela. Padadalhan ka ng sulat na nagbibigay-kilala sa iyong apela sa loob ng isang linggo nang ito ay natanggap. Ang iyong apela ay isasaalang-alang batay sa mga impormasyong ibinigay sa iyong aplikasyon ng apela, at ang sagot ay ipagkakaloob sa loob ng 28 araw.

Kung gusto mo ng karagdagang impormasyon o kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa proseso ng pag-apela, tumawag sa Housing Appeals and Review Unit sa 1300 364 560.

Ano ang uri ng mga desisyon ang maaari mong i-apela?

  • Ang pagiging karapat-dapat para sa tulong sa pabahay (kasama ang iyong antas ng pangangailangan sa pabahay, bond loans at pangmatagalang pabahay).
  • Mga alok ng tirahan (kasama ang lokasyon at uri ng pabahay).
  • Mga desisyong nagawa sa ilalim ng paraan ng pagrerepaso ng utang.
  • Mga desisyon sa pamamahala ng ari-arian – prayoridad at panahon para sa binabalak na pagmamantina.
  • Pagkansela o pagmulta sa mga aplikasyon.
  • Mga pagtatasa ng upa – paraan ng pagkalkula sa iyong upa.
  • Mga desisyon sa pamamahala ng pangungupahan.
  • Mga kasunduan sa muling pagbabayad para sa bond loans, utang sa pabahay, nahuling mga bayad sa upa o mga utang sa pagmamantina.
  • Mga desisyon sa paglipat ng bahay.

Ano ang hindi pwedeng maapela?

Mga patakaran ng kagawaran, tulad ng patakaran sa upa o alokasyon.

  • Mga bagay na nasasaklaw ng Residential Tenancies and Rooming Accommodation Act 2008 o iba pang batas.
  • Mga desisyong hindi ginawa ng kagawaran.
  • Mga desisyong ginawa kalimitan sa mahigit 12 na buwan na ang nakaraan.
  • Maaari lang i-apela ang mga utang kung nakiusap ka na sa tanggapan sa inyong lugar na magsagawa ng ‘debt review’.

Kung hindi ka nakakatiyak na maaring i-apela ang isang bagay, makipag-ugnay sa iyong pinakamalapit na Housing and Homelessness Service Centre o sa Housing Appeals and Review Unit.

Mga apela tungkol sa batas

May tatlong mga desisyon na nakilala sa Housing Act 2003. Ang mga ito ay:

  • Pagiging karapat-dapat para sa panlipunang pabahay.
  • Ang uri ng panlipunang pabahay na ibinigay.
  • Ang lugar kung saan ang panlipunang pabahay ay ibinigay.

Ang mga apela sa mga bagay na ito ay nirerepaso ng Housing Appeals and Review Unit. Ang mga apela tungkol sa batas ay independiyenteng sinusuri upang malaman kung ang batas sa pabahay at mga pamamaraan ay tamang nagamit at kung ang desisyon ay papalitan.

Mga apela tungkol sa pamamahala

Ang impormasyong iyong ibinigay sa form ay susuriin ng tagapamahala maliban sa orihinal na gumawa ng desisyon. Aalamin ng tagapamahala kung ang ginawang desisyon ay naaayon sa mga patakaran ng batas ng kagawaran, at maaring palitan ang naunang desisyon.

Para sa parehong mga apela tungkol sa batas at sa pamamahala, maaari mong talakayin ang iyong apela kasama ng kawani ang Housing Appeals and Review Unit.

Hindi ka nasiyahan sa desisyon ng apela?

Kung hindi ka pa rin masaya tungkol sa kinalabasan pagkatapos sumailalim sa proseso, at iyong hinihiling na suriin pa nang mas malalim ang bagay, maaari kang kumontak sa:

The Queensland Ombudsman’s Office
Level 17, 53 Albert Street, Brisbane QLD 4000
GPO Box 3314, Brisbane QLD 4001
Tel: 3005 7000 or 1800 068 908

Kung ang desisyon ay patungkol sa mga obligasyon at mga katungkulan ng kagawaran bilang landlord sa ilalim ng Residential Tenancies and Rooming Accommodation Act 2008, maari kang kumontak sa:

The Residential Tenancies Authority
33 Herschel Street, Brisbane
Tel: 1300 366 311

Para sa karagdagang impormasyon, kumontak sa:
Housing Appeals and Review Unit
Department of Housing and Public Works

GPO BOX 806, Brisbane 4001
Tel: 1300 364 560