Queensland Government
Department of Housing and Public Works
Home > About us > Publications about us > Publications in other languages > Tagalog (Tagalog) > Paano mag-aplay para sa tulong sa pabahay

Paano mag-aplay para sa tulong sa pabahay

Maaari kang mag-aplay sa tatlong paraan:

  • Maaari kang kumontak sa iyong pinakamalapit na tanggapan nga Department of Communities (Housing and Homelessness Services) para isaayos ang isang panayam upang pag-usapan ang iyong pagiging karapatdapat at mga pangangailangan sa pabahay. Sa panayam, kailangan mong kumpletohin at pirmahan ang form ng Application for Housing Assistance.
  • Maaari mong kumpletohin ang form ng Application for Housing Assistance at ipadala ito sa iyong pinakamalapit nga tanggapan ng Housing Services. Pagkataposay kokontakin ka nila upang isaayos ang isang panayam upang pag-usapan ang iyong aplikasyon.
  • Maaari kang mag-aplay sa mga tagapagbigay ng pangmatagalang pabahay sa komunidad at mga tagapagbigay ng murang pabahay at pagkatapos ay ipapadala ang iyong aplikasyon sa kagawaran para sa iyo.

Ang mga pamantayan ng pagiging karapatdapat ay nakalista sa fact sheet – Pagiging karapatdapat sa pabahay na tulong.

Papayuhan ka nga kawani ng Housing Services kung aling mga dokumento ang kailangan mong dalhin sa panayam, halimbawa, mga form ng katibayan ng pagkakakilanlan, katibayan ng kita at mga ari-arian ng iyong sambahayan, katibayan ng pagiging mamamayan at paninirahan sa Queensland, katibayan kung magkano ang kasalukuyang binabayarang upa, katibayan ng kahit anong partikular na mga pangangailangang pabahay, atbp.

Kabilang sa mga usaping pag-uusapan sa panayam ay:

  • Kung ikaw ay karapatdapat para sa tulong sa pabahay at kung kailangan mo ng tulong sa pabahay
  • saan mo gustong tumira at ilang mga silid-tulugan ang nararapat para sa iyo, at
  • anumang partikular na mga pangangailangan sa pabahay na mayroon ka o ang iyong sambahayan.

Isasaayos namin na magkaroon ng interpreter kung kinakailangan. Maaari kang magsama ng kapamilya, kaibigan o tagapagtaguyod sa panayam kung nais mo.

Tandaan: Isang paglabag sa ilalim ng Housing Act 2003 ang sinasadyang pagbibigay sa Department of Communities ng mali o madayang impormasyon na maaaring maka-apekto sa mga desisyon tungkol sa iyong pagiging karapatdapat para sa serbisyong pabahay.

Pagtatasa sa pagiging karapatdapat para sa tulong sa pabahay at sa antas ng pangangailangan sa pabahay. Ang iyong aplikasyon ay tatasahin ayon sa sumusunod na batayan upang malaman ang iyong pagiging karapatdapat para sa tulong sa pabahay at sa antas ng pangangailangan sa pabahay:

  • Pamantayan sa pagiging karapatdapat sa panlipunang pabahay
    • Pagkamamamayan ng Australia o permanenteng paninirahan
    • Paninirahan sa Queensland
    • Pagsusuri sa mga ari-arian (pagmamay-ari ng ari-arian at mga ari-ariang madaling gawing pera)
    • Sariling kita
    • Mga hangganan ng kita ng sambahayan.
  • Pamantayan sa pagkakaakma ng pagiging karapatdapat. Ang Pamantayan sa pagkakaakma ay upang matasa kung ang iyong kasalukuyang kalagayan ng pabahay ay akma sa iyong pangangailangan sa pabahay.
  • Pamantayan sa pangangailangan upang makakuha/maipagpatuloy ang pabahay. Ang pamantayan sa pangangailangan upang makakuha/maipagpatuloy ang pabahay ay ginagamit upang matukoy kung ikaw ay nakakaranas ng mga sagabal na pumipigil sa iyo upang makahanap o maipagpatuloy ang pabahay na akma sa iyong mga pangangailangan sa merkado ng pribadong paupahan.
  1. Dapat mo munang matugunan ang pamantayan sa pagiging karapatdapat sa panlipunang pabahay kasama ang kahit isa man lang sa pamantayan sa Pagkakaakma. Basahin ang fact sheet na Pagiging karapatdapat sa pabahay na tulong para sa karagdagang impormasyon sa batayan sa pagiging karapatdapat sa panlipunang pabahay.
  2. Kapag natugunan mo ang pamantayan ng pagiging karapatdapat sa panlipunang pabahay kasama na ang kahit isa man lang sa pamantayan sa Pagkakaakma, pagkatapos ay tatasahin ka ayon sa pamantayan Pagkuha at Pagpapatuloy upang matukoy ang iyong antas ng pangangailangan sa pabahay at kalalagyan sa talaan ng pabahay.
  3. Kapag natapos na ang pagsusuri sa iyong pagiging karapatdapat para sa tulong sa pabahay at antas ng pangangailangan sa pabahay at ikaw ay karapatdapat, ang iyong aplikasyon ay ilalagay sa talaan pabahay batay sa antas ng iyong pangangailangan sa pabahay.

Masyadong mataas na pangangailangan – mga aplikanteng may pinakamataas na pangangailangan sa pabahay dahil wala silang tirahan, o ang kasalukuyan nilang pabahay ay hindi sapat at may ilan silang usapin tungkol sa pagkuha at pagpapatuloy ng pag-upa sa merkado ng pribadong paupahan.

Mataas na pangangailangan – mga aplikanteng ang kasalukuyang pabahay ay hindi akma at mayroon silang ilang usapin tungkol sa pagkuha at pagpapatuloy ng ng pag-upa sa merkado ng pribadong paupahan.

Katamtamang pangangailangan - mga aplikanteng ang kasalukuyang pabahay ay hindi akma at mayroon silang kaunting mga usapin sa pagkuha at pagpapatuloy ng pag-upa sa merkado ng pribadong paupahan.

Mababang pangangailangan - mga aplikanteng may usapin sa kanilang kasalukuyang pabahay ngunit walang kahit anong sagabal sa pagkuha at pagpapatuloy ng akmang pabahay. Mayroon silang pamamaraang pampinansiya at kakayahan upang umupa ng akmang pabahay sa pribadong sektor.

Tandaan: Ang mga aplikanteng nasa loob ng bawat antas ng pangangailangan sa pabahay ay itinuturing bilang magkapantay at nakatala ayon sa petsa ng kanilang aplikasyon.

Kabuuang pananaw sa proseso upang malaman ang iyong pagiging karapatdapat para sa tulong sa pabahay at antas ng pangangailangansa pabahay.

Yugto Proseso Layunin
Pagpoproseso at pagtatasa ng mga aplikasyon para sa tulong sa pabahay

Ang iyogn aplikasyon para sa panglipunang pabahay ay susuriin laban sa:

  • Batayan sa pagiging karapatdapat sa panlipunang pabahay, at
  • Pamantayan sa pangangailangan upang makakuha/maipagpatuloy ang pabahay
Upang malaman ang pagiging karapatdapat parasa panlipunang pabahay at iyong antas ng pangangailangan sa pabahay para sa iba-ibang uri ng tulong sapabahay.
Pamamahala ng talaan ng pabahay Palagiang pagrerepaso ng iyong mga kalagayan. Upang marepaso ang iyong antas ng pangangailangan sa pabahay sa talaan ng pabahay para matiyak na ang antas ng pangangailangan sa pabahay ay angkop pa rin sa kasalukuyan.
Alok ng panlipunang pabahay Pabahay na iniaalok sa mga aplikanteng nasa talaan ng pabahay ayon sa kanilang mga pangangailangan sa pabahay at antas ng pangangailangan sa pabahay. Upang matiyak na ang akmang panlipunang pabahay ang na-ialok sa mga aplikante ayon sa kanilang antas ng pangangailangan sa pabahay.

Karagdagang impormasyon

Mangyari sanang kumontak sa iyong pinakamalapit na tanggapan ng Housing Services. Sumangguni rin sa mga fact sheet:

  • Pagiging karapatdapat sa tulong sa pabahay
  • Mga karapatan sa pabahay
  • Paghihintay sa tulong sa pabahay.