Queensland Government
Department of Housing and Public Works
Home > About us > Publications about us > Publications in other languages > Tagalog (Tagalog) > Pagiging karapatdapat sa pabahay na tulong

Pagiging karapatdapat sa pabahay na tulong

Ang Department of Communities (Housing and Homelessness Services) ay nagbibigay ng tulong sa pabahay para sa mga mayroong pinakamalaking pangangailangan sa pabahay. Kailangan mong matugunan lahat ng pamantayan sa pagiging karapatdapat para makatanggap ng tulong.

Paninirahan

Dapat ay naninirahan ka sa Queensland. Sa kalagayang kung saan naipakita at nakapagbigay ng katibayan ang mga aplikanteng taga-Interstate ng tiyak na pangangailangang lumipat sa Queensland, itong pangangailangan ng paninirahan sa Queensland ay maaaring talikdan.

Maaari kang mag-aplay para sa tulong sa pabahay kung matugunan mo lahat ng pamantayan sa pagiging karapatdapat at:

  • ikaw ay isang mamamayan ng Australia
  • pinagkalooban ng katayuan ng permanenteng paninirahan
  • karapatdapat sa katayuan ng permanenteng paninirahan sa pamamagitan ng kasunduan sa pagitan ng Australia at ng isa pang bansa.
  • may hawak na Temporary Protection Visa
  • may hawak na Bridging Visa kung dati kang may hawak na Temporary Protection Visa na wala ng bisa.

Kung ikaw ay nag-aplay para sa permanenteng paninirahan ngunit hindi pa permanent resident, maaari kang dumulog para sa pabahay na tulong at, kung karapat-dapat, ilalagay sa talaan ng pabahay. Gayunpaman, ikaw ay hindi aalukin ng tulong sa pabahay hanggang sa ikaw ay maging isang permanenteng residente.

Ari-arian

Ikaw o ang isang kasambahay ay hindi dapat nagmamay-ari o kasamang nagmamay-ari ng ari-arian sa Australia o sa ibang bansa, kabilang ang:

  • tirahang tahanan kabilang ang bahay, flat, unit o townhouse
  • bakanteng tirahang lupa kasama ang kanayunang ari-arian
  • pwedeng mailipat na tahanan, caravan o isang pwedeng tirahang bangka na permanenteng konektado sa tubig at kuryente o gas, o
  • komersyal at/o pang-industriyang ari-arian.

May ilang mga eksepsiyong naangkop. Halimbawa, sa mga pangyayari tulad ng karahasan sa tahanan, paghihhiwalay ng mag-asawa, matinding paghihirap, o kung ang bakanteng lupa ay nasa likas na lugar ng kalamidad, susuriin ng departamento ang iyong kalagayan. Kung nagmamay-ari ka ng isang caravan ngunit apektado ng pagsasara ng caravan park kung saan kayo ay nakatira, ikaw ay maaaring maging karapat-dapat.

Kung ikaw ay nagmamay-ari o kasamang nagmamay-ari ng ari-arian at nangangailangan ng tulong sa pabahay, talakayin ang iyong sitwasyon sa kagawaran.

Hangganan ng mga ari-ariang madaling gawing pera

Ang pinagsamang mga ari-ariang madaling gawing pera ng iyong sambahayan ay dapat na sa loob ng kasalukuyang hangganan para sa laki ng iyong sambahayan. Ang mga ari-arian madaling gawing pera ng lahat ng mga kasambahay ay idinadagdag nang sama-sama upang maging mga ari-ariang madaling gawing pera ng pamamahay.

Kabilang sa mga likidong ari-arian ay:

  • pera sa bangko
  • shares, fixed investments, pinamamahalaang mga pondo
  • property trusts, at
  • Mga bayad sa superannuation (kung umabot ka na preservation age).

Ang iba't-ibang mga hangganan ng likidong mga ari-arian ay magagamit para sa nag-iisang taong mga sambahayan at mga sambahayang may dalawa o higit pang mga tao. Ang mga ito ay:

  • Nag-iisang tao sa sambahayan – $74,062.50
  • Dalawa o higit pang taong miyembrong sambahayan – $92,000.00

Sariling kita

Ang mga aplikante ay kailangang may sariling kitang kinita sa Queensland, at hindi bababa sa isang aplikante sa sambahayan ay dapat na:

  • tumatanggap ng sariling kita na may halagang hindi bababa sa $182.13 bawat linggo, at
  • natanggap ang kitang ito nang hindi bababa sa apat na linggo kaagad bago nag-aplay para sa tulong sa pabahay.

Kung ikaw ay may hawak na Temporary Protection Visa o naninirahan sa isang koreksyonal na pasilidad at walang sariling kita, maaari kang mag-aplay para sa tulong sa pabahay at, kung karapat-dapat, ilalagay sa rehistro ng pabahay. Gayunpaman, hindi ka aalukin ng pabahay hanggang sa makatanggap ka ng sariling kita.

Hindi bababa sa isang aplikante ang dapat tumanggap ng pinakamaliit na sariling kitang nakasaad sa itaas. Ang sino pa mang ibang mga kasambahay na walang kita, sobrang mababa ang kita o hindi matukoy o mapatunayan ang kanilang kita, ay tatasahin bilang nagkakaroon ng kita batay sa Equivalent Centrelink Payment.

Ang Equivalent Centrelink Payment ay ang pagbabayad na pinakamalapit na katapat ng iyong kalagayan, kahit na hindi ka karapat-dapat o hindi mo matugunan ang mga pangangailangan sa kabayaran. Ang Equivalent Centrelink Payment ay nakabatay, ngunit ay hindi limitado sa, iyong edad, marital status, kung ikaw ay nakatira sa o malayo sa bahay, at kung mayroon kang mga anak.

Kita ng sambahayan

Kailangan mong magkaroon ng sariling kita upang maging karapat-dapat para sa tulong sa pabahay. Kailangan mong magbigay ng kabuuang lingguhang matatasang kita ng iyong sambahayan, na pinagsamang kita ng lahat ng mga kasambahay. Ang ilang kita, tulad ng ilang mga panustos na ibinayad ng Centrelink, ay hindi kasama bilang lingguhang natatasang kita.

Ang pinagsamang kabuuang natatasang lingguhang kita ng sambahayan ay dapat mas mababa sa:

Kita Bilang ng mga kasambahay
$609 solong tao, walang anak.
$755 solong tao, isang anak.
Mag-asawang walang anak, o
dalawang solong tao.
$877 solong tao, dalawang anak
mag-asawang may isang anak
mag-asawa at isang solong tao
dalawang solong tao at isang anak, o
tatlong solong tao.
$999 Solong tao, tatlo o higit pang mga anak
mag-asawang may dalawang anak
Tatlong solong tao at isang anak
dalawang solong tao na may dalawang anak, o
apat na solong tao.
$1,121 mag-asawang may tatlo o higit pang mga anak
Limang solong tao
isang mag-asawa na may dalawang anak at isang solong tao
Dalawang mag-asawang may isa o higit pang mga anak
isang mag-asawa, isang solong tao at dalawa o higit pang mga anak, o
iba pang mga sambahayan na may lima o higit pang mga tao kasama ang hindi bababa sa dalawang may sapat na gulang.

Pagkakaakma ng kasalukuyang pabahay

Kailangan mong matugunan ang kahit isa man lang sa mga sumusunod na pamantayan upang ipakita na hindi natutugunan ng iyong kasalukuyang pabahay ang iyong pangangailangan sa pabahay:

  • Ikaw ay walang tahanan o nanganganib na mawalan ng tahanan.
  • Kailangan mong manirahan sa isang partikular na lugar upang makakuha ng mahahalagang serbisyo, makakuha ng trabaho, matugunan ang mga obligasyon sa kultura, makakuha ng access sa mga anak o para sa pamilya/impormal na suporta.
  • Ang disenyo at/o sukat ng iyong kasalukuyang pabahay ay hindi makatugon sa mga pangangailangan ng iyong sambahayan o may mga panganib sa kalusugan at kaligtasan.
  • Ikaw ay nagbabayad ng upang hindi makaya ng iyong kita.

Ikaw ay inireper ng Disability Services dahil mayroon kang kapansanan at kailangan mong magtatag ng kapalit na pabahay.

Paano mag-aplay para tulong sa pabahay

Kumontak sa iyong pinakamalapit na tanggapan ng Housing Services upang gumawa ng appointment para sa isang panayam upang talakayin ang iyong pagiging karapat-dapat at pangangailangan sa pabahay, halimbawa:

  • kung saan mo nais na manirahan
  • kung ilang silid-tulugan ang nararapat para sa iyo
  • partikular na mga pangangailangan sa pabahay na ikaw o iyong sambahayan ay maaaring mayroon.

Papayuhan ka ng kawani ng kagawaran kung aling mga dokumento ang kailangan mong dalhin sa panayam.

Isang paglabag sa ilalim ng Housing Act 2003 ang sadyaing magbigay sa kagawaranng mali o hindi tamang impormasyon na maaaring makaapekto sa mga desisyon tungkol sa iyong pagiging karapatdapat para sa serbisyong pabahay.

Pagrerepaso sa pagiging karapat-dapat sa tulong sa pabahay

Regular na rerepasuhinng kagawaran ang iyong pagiging karapat-dapat habang ikaw ay nakalista sa talaan ng pabahay. Bago gawin ang isang pag-aalok ng pabahay, ang iyong pagiging karapat-dapat ay muling rerepasuhin ayon sa lahat ng pamantayan ng pagiging karapat-dapat. Kung ikaw ay hindi na karapat-dapat, hindi ka na aalukin ng tulong sa pabahay at ang iyong aplikasyon ay tatanggalin mula sa talaan ng pabahay.

Kung ikaw ay hindi karapat-dapat ngunit ang iyong kalagayan ay nagbago (halimbawa, ang kita ng iyong sambahayan ay nabawasan), mangyaring kumontak sa iyong pinakamalapit na tanggapan ng Housing Services upang talakayin ang iyong kalagayan.

Para sa karagdagang impormasyon

Mangyari lamang na kumontak sa iyong pinakamalapit na tanggapan ng Housing Services.