Queensland Government
Department of Housing and Public Works

Ang Department of Housing and Public Works ay naglalayong magbigay ng pabahay na tumutugon sa mga pangangailangan ng isang sambahayan, halimbawa isang naaangkop na bilang ng silid-tulugan, ang uri ng pabahay at ng isang naaangkop na lokasyon.

Maaari ka lamang mag-aplay para sa pabahay sa Queensland kung saan ang kagawaran ay may mga air-arian, hindi alintana kung saan ka kasalukuyang nakatira. Kailangan mong maglista para sa anim na lokasyong iyong pinili (mga suburbiya, mga bayan, mga lungsod) maliban na lamang kung saan:

  • naipakita mo ang pangangailangan na manirahan sa isang partikular na lokasyon, o
  • ikaw ay nagpapalista para sa isang pangrehiyon o malayong lugar.

Mga karapatan sa silid-tulugan

Ang sumusunod na talahanayan ay gabay sa karapatan sa silid-tulugan para sa iba't-ibang uri ng mga sambahayan. Ang iyong karapatan sa silid-tulugan ay maaaring magbago depende sa edad, kasarian at bilang ng mga tao sa loob ng iyong sambahayan at sa uri ng pabahay na nais mong tirahan. Ang sukat ng pabahay na ibibigay ay batay sa bilang ng mga tao sa sambahayan.

Uri ng Pabahay Pamamahay
Seniors’ unit
  • solong taong mahigit 55 taon
  • mag-asawang mahigit 55 taon
Isang silid-tulugan (anumang uri ng pabahay)
  • solong tao
  • mag-asawa
Dalawang silid-tulugan (anumang uri ng pabahay)
  • 2 solong tao magkabahagi
  • solo/mag-asawa na mayroong 1-2 anak
Tatlong silid-tulugan (anumang uri ng pabahay)
  • 3 solong tao magkabahagi
  • solo/mag-asawa na mayroong 2-4 anak
Apat na silid-tulugan (anumang uri ng pabahay)
  • 4 na solong tao magkabahagi
  • solo/mag-asawa na mayroong 3-6 anak
Limang silid-tulugan (anumang uri ng pabahay)
  • 5 solong tao magkabahagi
  • solo/mag-asawa na mayroong 4-8 anak
Anim na silid-tulugan (anumang uri ng pabahay)
  • 6 na solong tao magkabahagi
  • solo/mag-asawa na mayroong 5-10 anak
Pitong silid-tulugan (anumang uri ng pabahay)
  • 7 solong tao magkabahagi
  • solo/mag-asawa na mayroong 6-12 anak

Kung ikaw ay inaprubahan para sa tulong sa pabahay, dapat mong sabihan ang kagawaran ng anumang mga pagbabago sa kalagayan ng iyong sambahayan o pangangailangan sa pabahay. Ang iyong pagiging karapat-dapat at pangangailangan sa pabahay ay rerepasuhin bago ka alukin ng pabahay.

Iba pang mga kadahilanang nakakaapekto sa mga karapatan sa silid-tulugan

Anumang mga pagbabago sa iyong sambahayan ay maaaring makapagbago sa iyong mga karapatan sa silid-tulugan kaya dapat mong sabihan kaagad ang kagawaran tungkol sa mga pagbabagong ito.

Karaniwan hindi hihigit sa dalawang batang may parehong kasarian ang makikibahagi sa isang silid-tulugan. Gayunman, ang tatlong mga batang may parehong kasarian ay maaaring makibahagi sa isang silid-tulugan kung ito ay may sapat na laki.

Kung may pagkakaiba sa edad na hindi bababa sa pitong taon ang pagitan ng mga batang may parehong kasarian, ang bawat bata ay bibigyan ng isang hiwalay na silid-tulugan.

Kung ikaw o isang kasambahay ay buntis nang tatlong buwan o higit pa, at ito ay napatunayan sa sertipiko ng doktor, ang karapatan sa silid-tulugan ay magpapahintulot para sa isang kasisilang na anak ng alinmang kasarian.

Ang mag-asawa ay may karapatan sa isang silid-tulugan lamang. Ang iba pang mga kasambahay na may edad na 18 taon o higit pa ay tatanggap ng hiwalay na silid-tulugan.

Kung ikaw ay may regular na kustodiya ng mga bata, ang iyong karapatan sa silid-tulugan ay tatasahin ayon sa patakaran sa karapatan ng kagawaran tungkol sa mga bata. Kailangan mong magbigay ng katibayan ng kaayusan sa kustodiya.

Kung ikaw o ang isang kasambahay ay nangangailangan ng dagdag na (mga) silid-tulugan para sa kalusugan o kagamitan kaugnay sa kapansanan o mga pangangailangan ng suporta o upang tirahan ng isang live-in na tagapag-alaga, makipag-usap sa iyong pinakamalapit na tanggapan ng Housing Services tungkol sa iyong mga pangangailangan.

Pagtanggap ng pabahay na may mas kaunting mga silid-tulugan

Kung ang kagawaran ay nasiyahan na hindi magreresulta sa malubhang pagsisikip, maaari kang magpalista para sa pabahay na may mas kaunting mga silid-tulugan upang madagdagan ang iyong pagkakataon na mabigyan nang mas maaga.

Ang mga alok ng pabahay ay umaasa pa rin sa pagkakaroon ng mga pabahay sa mga lugar na ikaw ay nakalista at sa bilang ng mga tao na nauna sa iyo sa talaan ng pabahay na may mas mataas na pangangailangan.

Kung humiling ka at pagkatapos ay inilagay sa mas maliit na pabahay, ang paglipat sa mas malaking bahay ay hindi karaniwan itinuturing maliban kung may espesyal na mga pangyayaring magaganap.

Mga uri ng pabahay

Maaari kang magpalista para sa anuman sa mga sumusunod na mga uri ng pabahay na magagamit sa iyong anim na napiling mga lokasyon na tumutugma sa iyong karapatan sa silid-tulugan ng iyong sambahayan.

Hiwalay na bahay Isang bahay na may 2 o higit pang mga silid-tulugan sa isang bloke ng lupa.
Duplex Kadalasan 2 unit na may 1-3 silid-tulugan bawat isa na hinati sa pamamagitan ng iisang pader at matatagpuan sa isang bloke ng lupa.
Kumpol na bahay Ilang magkakadikit o hiwalay na mga tahanang may 2-4 na silid-tulugan na matatagpuan sa loob ng maramihang pagpapaunlad ng pabahay.
Townhouse Tatlong o higit pang mga unit na magkakatabi na may 1-4 bawat tulugan bawat isa, na hinati ng karaniwang mga pader.
Apartment/flat/unit Karaniwan ay nasa isang complex ng 2 o higit na palapag na may 1-3 silid-tulugan bawat isa.
Senior’s unit Para sa mga aplikante na 55 taong gulang at kadalasan ay sa isang complex na may 1-2 palapag na may 1-2 silid-tulugan bawat isa.

Makipag-usap sa iyong pinakamalapit na tanggapan ng Housing Services tungkol sa uri ng pabahay na magagamit sa inyong anim na napiling mga lokasyon.

Karagdagang impormasyon

Mangyari sanang kumontak sa iyong pinakamalapit na tanggapan ng Housing Services. Sumangguni din sa mga fact sheet:

  • Paghihintay sa tulong sa pabahay
  • Inaalok ng tulong sa pabahay
  • Dating mga utang sa Department of Housing and Public Works
  • Tulong sa pabahay para sa mga taong may kapansanan
  • Mga Tagapag-alaga at Mga Tagapamahala.