Queensland GovernmentAng Department of Communities (Housing and Homelessness Services) ay nagbibigay ng tulong sa pabahay para sa mga mayroong pinakamalaking pangangailangan sa pabahay. Kailangan mong matugunan lahat ng pamantayan sa pagiging karapatdapat para makatanggap ng tulong.
Ang Department of Communities (Housing and Homelessness Services) ay naglalayong magbigay ng pabahay na tumutugon sa mga pangangailangan ng isang sambahayan, halimbawa isang naaangkop na bilang ng silid-tulugan, ang uri ng pabahay at ng isang naaangkop na lokasyon.
Ang mga pamantayan ng pagiging karapatdapat ay nakalista sa fact sheet – Pagiging karapatdapat sa pabahay na tulong.tl
Tandaan: Ang mga aplikanteng nasa bawat antas ng pangangailangan sa pabahay ay itinuturing bilang magkapantay at nakatala ayon sa petsa ng kanilang aplikasyon.
Kung ikaw ay nasa talaan ng pabahay, ang Department of Communities (Housing and Homelessness Services) ay kokontak sa iyo kapag mayroon ng makukuhang ari-arian. Tatanungin ka kung makakalipat ka sa ari-arian, at kung kaya mo, ikaw ay iniimbitahang siyasatin ang ari-arian.
Ang mga nangungupahan sa ari-arian ng Department of Communities (Housing and Homelessness Services) ay nagbabayad ng upa batay sa porsyento ng kanilang kabuuang kita ng sambahayan o ang pangmerkadong upa ng ari-arian, kung alinman ang mas mababa.
Maraming iba't-ibang paraan ng pagbabayad ng iyong upa sa gayon maaari mong piliin ang paraan ng pagbabayad ng upa na akma sa inyong pangangailangan. Dapat tiyakin ng mga nangungupahan na pumirma sa State Tenancy Agreements na ang kanilang mga upa ay nababayaran.
Ang Housing Act 2003 ay ang batas kung saan ang Queensland Department of Communities ay pinangangasiwaan patungkol sa pagbibigay ng panlipunang pabahay sa Queensland. Ang Batas Housing Act 2003 ay nagsimula bilang batas noong Enero 1, 2004.
Ang Department of Communities (Housing and Homelessness Services) ay nakalaang magbigay ng mataas na antas ng serbisyo sa kanyang mga kliyente at gumagalang sa karapatan ng bawat isa para makapagbigay ng puna sa mga pagkilos, panunungkulan o produkto ng kagawaran.
Maaaring mag-apela para sa karamihan sa mga desisyong ginawa ng Department of Communities (Housing and Homelessness Services) tungkol sa mga serbisyong pabahay. Gayunman, bago tuluyang mag-apela ay kailangan mo munang talakayin ang desisyon at mga dahilan para sa desisyon kas
Maaari kang humiling ng access para sa mga dokumento ng kagawaran na naglalaman ng iyong personal na impormasyon sa pamamagitan ng alinman sa kahilingan sa pamamagitan ng batas (Right to Information at/o Information Privacy Acts) o sa prosesong Administrative Access.