Queensland Government
Department of Housing and Public Works
Home > About us > Publications about us > Publications in other languages > Tagalog (Tagalog) > Housing Act 2003 – Mga Obligasyon para sa mga Kliyente

Housing Act 2003 – Mga Obligasyon para sa mga Kliyente

Ano ang Housing Act 2003?

Ang Housing Act 2003 ay ang batas kung saan ang Queensland Department of Communities ay pinangangasiwaan patungkol sa pagbibigay ng panlipunang pabahay sa Queensland. Ang Batas Housing Act 2003 ay nagsimula bilang batas noong Enero 1, 2004.

Ano ang mga obligasyon ng kliyente sa ilalim ng Housing Act 2003?

  • ang mga kliyente ay hindi dapat magbigay sa kagawaran ng mali o madayang impormasyon tungkol sa kanilang sarili o kanilang mga kalagayan, halimbawa, kapag gumagawa ng aplikasyon o nagbibigay ng bagong mga detalye;
  • ang mga nangungupahan ay dapat magsabi sa kagawaran kung may pagbabago (alinman sa pagtaas o pagbaba) sa bilang ng mga tao sa sambahayan o sa kita ng sambahayan sa loob ng 28 araw na mangyari ang pagbabago;
  • dapat lamang gamitin ng mga nangungupahan ang ari-arian bilang tirahan para sa kanilang sarili, sa kanilang pamilya o sa nakalistang mga nakatira; at
  • ang mga nangungupahan ay hindi dapat magpaupa pa sa ari-arian o gamitin ito para sa anumang ibang layunin tulad ng negosyo.

Paano inaalam ng kagawaran kung ang mga tungkulin ay hindi natutugunan?

Kung ang obligasyon ay hindi matugunan o pinaghihinalaang hindi natutugunan, ipapaalam ng kagawaran ang usaping ito sa nangungupahan. Kung hindi nito malutas ang usapin, maaaring magsagawa ang kagawaran ng karagdagang mga pagsisiyasat.

Ang nangungupahan ay papayuhan tungkol sa anumang pagtatanong o pagsisiyasat na isinasagawa, bibigyan ng pagkakataong sumagot at papayuhan ng kinalabasan.

Ang Awtorisadong mga Opisyal ng Department of Communities ay hinirang sa ilalim ng Batas upang subaybayan at ipatupad ang pagsunod sa mga obligasyon.

Sino ang Awtorisadong mga Opisyal at ano ang magagawa nila?

Ang Awtorisadong mga Opisyal ay matatagpuan sa Brisbane Central Housing Service Centre ng kagawaran, at hinirang sa ilalim ng Batas ng Direktor-Heneral. Ang Awtorisadong mga Opisyal ay pinagkakalooban ng mga kard ng pagkakakilanlan.

Ang Awtorisadong mga Opisyal ay may mga kapangyarihan upang makakuha ng impormasyon mula sa sinumang tao upang subaybayan o ipatupad ang pagsunod sa Batas. Ang Awtorisadong Opisyal ay maaaring magbigay ng abiso kanino man upang makakuha ng impormasyon o mga dokumento upang matukoy kung ang pagkakasala ay nangyari sa panahon ng isang imbestigasyon. Ang anumang pagsisiyasat ay gagawin nang may simpatiya upang maiwasan ang anumang hindi kinakailangang paghihirap o sakuna para sa kliyente.

Isang kasalanan ang tumangging magbigay ng impormasyon, o magbigay ng mali o madayang impormasyon sa isang Awtorisadong Opisyal.

Paano kung ang isang obligasyon ay hindi matugunan?

Ang kabiguang matugunan ang isang obligasyon ay katumbas ng pagkakasala sa ilalim ng Batas.

Maaaring piliin ng kagawaran na tumugon sa pagkakasala sa pamamagitan ng administratibong paraan at/o sa ilalim ng batas tulad ng Residential Tenancies Act o ng Housing Act.

Depende sa bigat ng pagkakasala, maaaring dalhin ang kaso sa Korte ng Mahistrado para sa desisyon tungkol sa kung ang pagkakasala ay nangyari. Sa ganoong mga kaso maaaring magpataw ang mahistrado ng multa hanggang $750, magpataw ng parusa at humingi ng bayad-pinsala para sa kagawaran.

Ano ang aking mga karapatan?

Ang patakaran ng kagawaran ay batay sa likas na hustisya. Kung may pinaghihinalaang pagkakasala, ang nangungupahan ay bibigyan ng karapatang tumugon at ang desisyon tungkol sa pagkakasala ay ituturing na walang pagkiling.

Hinihimok din ang nangungupahan na magkaroon ng tagataguyod o tagasuportang tao na tutulong sa pakikitungo sa kagawaran. Para sa mga independiyenteng payo, kumontak sa Tenancy Advice and Advocacy Service (Queensland) na nakalista sa ilalim ng 'T' sa Whitepages.

Saan ako makakakuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa Housing Act 2003?

Ang karagdagang impormasyon ay makukuha sa website (PDF) ng kagawaran sa:

o sa pamamagitan ng pagkontak sa:
Housing Appeals and Review Unit
PO Box 806
Brisbane QLD 4001
Telepono: 1300 364 560