Kung ikaw ay nasa talaan ng pabahay, ang Department of Housing and Public Works ay kokontak sa iyo kapag mayroon ng makukuhang ari-arian. Tatanungin ka kung makakalipat ka sa ari-arian, at kung kaya mo, ikaw ay iniimbitahang siyasatin ang ari-arian. Ito ay tinatawag na isang alok ng pabahay. Inaasahang tatanggapin mo ang alok.
Bago gawin ang alok ng pabahay, kokontak kami sa iyo upang makita kung ikaw ay karapat-dapat pa rin para sa tulong sa pabahay. Kailangan mong magbigay sa kagawaran ng katibayan ng kita ng iyong sambahayan at mga ari-arian, at kailangan mo din sabihan ang kagawaran:
- kung ikaw ay nagmamay-ari o kabahagi ng anumang uri ng ari-arian, o tahanang umaandar o pwedeng ilipat o pwedeng tirahang bangka
- kung ang iyong kalagayan ng paninirahan sa Australia ay nagbago
- kung ikaw o kasambahay ay may anumang partikular na mga pangangailangan sa pabahay na hindi mo pa dating nasabi sa kagawaran
- kung ang iyong pangangailangan sa pabahay ay nagbago, at
- kung mayroong anumang dahilan kung bakit hindi mo maaaring tanggapin ang alok ng pabahay, halimbawa, ikaw ay maaaring may kasunduan sa isang pribadong fixed-term na pangungupahan.
Paano kung hindi ko matanggap ang alok dahil sa ilang mga dahilan?
Kung hindi matatanggap ang ari-arian na iniaalok sa iyo, dapat kang magbigay sa amin ng isang katanggap-tanggap na dahilan kung bakit hindi mo matanggap ito bago ka namin bigyan ng address ng ari-arian. Maaaring kailanganin mong magbigay ng katibayan upang ipakita kung bakit hindi mo matanggap ang alok.
Depende sa iyong kalagayan, ang iyong aplikasyon ay maaaring ipagpaliban hanggang sa maaari mo nang tanggapin ang alok ng pabahay. Kung kailangan mong ipagpaliban ang iyong aplikasyon, makipag-usap sa inyong pinakamalapit na tanggapan ng Housing Services tungkol dito.
Paano kung hindi ako sumagot sa alok?
Kung hindi ka tumugon sa alok ng pabahay, ikakansela namin ang alok at ang iyong aplikasyon para sa tulong sa pabahay. Padadalhan ka namin ng sulat na nagsasabing ito ay nangyari. Mahalagang sabihin mo sa amin ang tungkol sa anumang mga pagbabago sa iyong aplikasyon. Ang fact sheet na Waiting for housing assistance ay nagbibigay ng karagdagang impormasyon.
Kailan ako ay aalukin ng ari-arian?
Ang iyong aplikasyon ay ilalagay sa talaan ng pabahay sa likod ng mga aplikanteng may mas mataas na pangangailangan sa pabahay kaysa sa iyo at sa mga aplikanteng may parehong pangangailangan sa pabahay na katulad mo , ngunit naunang mag-aplay kaysa sa iyo.
Kung ako ay aalukin ng ari-arian, saan ito?
Kung ikaw ay inalok ng ari-arian, ito ay mula sa alinman sa isa sa mga lugar na inilista mo sa iyong aplikasyon para sa tulong sa pabahay.
Kung ikaw ay nakalista sa talaan ng pabahay bilang mayroong katamtaman o mas mababang pangangailangan sa pabahay, maaaring hindi namin maibigay sa iyo ang panlipunang pabahay at maaari mong isaalang-alang ang iba pang mga pagpipilian sa pabahay. Makipag-usap sa iyong pinakamalapit na tanggapan ng Housing Services tungkol sa iba pang magagamit na mga produkto ng tulong sa pabahay.
Ano ang uri ng ari-ariang iaalok sa akin?
Ikaw ay aalukin ng anumang uri ng pabahay (hal. hiwalay na bahay o apartment) sa bilang ng silid-tulugan na ikaw ay may karapatan. Maaaring maging angkop ang ilang mga iksemsiyon, kaya magtanong sa tanggapan ng iyong Housing Services para sa mga detalye. Ang fact sheet na Housing Entitlements ay naglalarawan ng mga uri ng pabahay na maaaring makuha.
Maaari ko bang siyasatin ang ari-arian?
Oo. Magbibigay kami sa iyo ang mga susi sa mga ari-arian na dapat ibalik pagsapit ng alas 4n.h. sa parehong araw na kinuha mo ang mga ito. Hindi maaaring itago ang mga susi nang magdamag.
Ano ang gagawin ko kung gusto kong lumipat sa ang ari-arian?
Kapag ibinalik mo ang mga susi sa amin, sabihin sa kawani na nais mong lumipat sa ari-arian. Gagawa kami ng appointment sa iyo upang makapirma ka sa isang State Tenancy Agreement.
Maaari ko bang tanggihan ang ari-ariang iniaalok?
Oo, ngunit ito lamang ay kung mayroon kang katanggap-tanggap na dahilan, halimbawa:
- distansiya mula sa mahahalagang mga serbisyo, kabilang ang mga serbisyo ng medikal na suporta, o
- partikular na trabaho at mga pangangailangan sa pag-aaral.
Maaaring hilingin sa iyo na magbigay ng katibayan upang suportahan ang iyong mga dahilan sa pagtanggi.
Ano ang mangyayari kapag tumanggi ako sa ari-arian sa isang hindi katanggap-tanggap na dahilan?
Kung wala kang katanggap-tanggap na dahilan para tanggihan ang alok, ang petsa ng inyong aplikasyon ay papalitan sa petsa ng iyong pagtanggi sa alok at ang iyong aplikasyon ay ililipat sa ilalim ng talaan ng pabahay. Bilang resulta, ang karagdagang alok ng pabahay ay hindi magagawa sa mahabang panahon. Kabilang sa mga halimbawa ng hindi katanggap-tanggap na mga dahilan ay:
- nais mo ng bahay na yari sa brick sa halip na kahoy, o
- hindi mo gusto ang kalye kung saan ang ari-arian ay matatagpuan.
Maaari ko bang tanggihan ang alok ng pabahay nang higit sa isang beses?
Oo, ngunit kung tumanggi ka sa dalawang alok ng pabahay na walang katanggap-tanggap na dahilan, tatanggalin ang iyong aplikasyon mula sa talaan ng pabahay at hindi ka maaaring mag-aplay para sa tulong sa pabahay sa loob ng 12 buwan.
Karagdagang impormasyon
Mangyari sanang kumontak sa iyong pinakamalapit na tanggapan ng Housing Services. Gayundin tumingin sa mga fact sheet:
- Pagiging karapatdapat sa tulong sa pabahay
- Paano mag-aplay para sa tulong sa pabahay
- Mga karapatan sa pabahay.




This work is licensed under a Creative Commons Attribution 3.0 Australia License