Maaari kang humiling ng access para sa mga dokumento ng kagawaran na naglalaman ng iyong personal na impormasyon sa pamamagitan ng alinman sa kahilingan sa pamamagitan ng batas (Right to Information at/o Information Privacy Acts) o sa prosesong Administrative Access.
Mga kahilingan sa pamamagitan ng batas
Ang Department of Communities Right to Information Unit ang magpapasya kung alin sa hiniling na mga dokumento ang ilalabas o hindi kasama. Maaaring tanggihan ang access sa mga dokumento upang maprotektahan ang mahahalagang pampublikong interes o mga personal o pangnegosyong kapakanan ng iba.
Lahat ng mga kahilingan sa pamamagitan ng batas ay dapat na isumite alinman sa online sa Right to Information website, o sa pamamagitan ng application form.
Ang Right to Information Unit ay maaaring makontak sa sumusunod:
Right to Information Unit
Department of Housing and Public Works
GPO Box 806
BRISBANE QLD 4001
Phone: 13 QGOV (13 7468)
Email: rti@communities.qld.gov.au
Administrative Access
Ang Administrative Access ay isang proseso ng kagawaran kung saan ang kasalukuyan at dating mga kliyente ay maaaring mabilis at simpleng makakuha ng access sa mga dokumento na naglalaman ng kanilang mga personal na impormasyon. Maaari kang mag-aplay sa pamamagitan ng sulat gamit ang Administrative Access Request form. Dapat kang maglakip sa sulat ng sapat na mga pagkakakilanlan (hal. lisensiya sa pagmamaneho) bago maproseso ang iyong kahilingan. .Ipadala ang kahilingan sa iyong pinakamalapit na tanggapan ng Housing Services para sa pagtatasa.
Kung ang iyong kahilingan ay naaprubahan, isasaayos namin ang oras para sa iyo upang tingnan ang mga dokumento. Maaari kang humiling na baguhin ang iyong personal na impormasyon kung naniniwala ka na ito ay mali, hindi totoo, hindi kumpleto o hindi tama sa petsa. Ang mga pagbabago ay nakatala sa Administrative Access Amendment form at nakalakip sa orihinal na dokumento. Walang dokumento o anumang bahagi ng anumang mga dokumento na maaaring tanggalin mula sa talaan.
Ang mga form upang humiling ng access o pagbabago sa iyong personal na impormasyon ay makukuha sa website ng Department of Housing and Public Works o mula sa iyong pinakamalapit na Housing Service Centre.
Kung ang iyong kahilingan ay hindi naaprubahan, maaari kang magsumite ng kahilingan sa pamamagitan ng batas.
Awtoridad na humiling o magbunyag ng personal na impormasyon sa panlabas na mga partido
ipapaliwanag namin nang eksakto kung sino ang kailangang kontakin ng kagawaran at kung bakit.
- maaari kang maghirang ng isang partikular na tao o organisasyon at ng panahon ng pagbibigay mo ng pahintulot sa amin upang tumanggap at ipasa ang iyong mga detalye.
- maaari mong tukuyin kung ano ang maaari o hindi maaaring naming pag-usapan ng taong ito o organisasyon.
Ang iyong pagiging pribado
Ang kagawaran ay sumusunod sa Information Privacy Principles in Information Standard 42 (tunghayan ang).
Gagamitin lamang namin ang iyong personal na impormasyon para sa layunin ng pagkokolekta nito. Poprotektahan namin ang iyong personal na impormasyon sa pamamagitan ng mga pananggalang sa seguridad bilang makatwiran sa mga pangyayari laban sa pagkawala, di-awtorisadong pag-access, paggamit, pagbabago o pagbubunyag, at iba pang mga uri ng maling paggamit.
Karagdagang impormasyon
Mangyari sanang kumontak sa iyong pinakamalapit na Housing Service Centre.




This work is licensed under a Creative Commons Attribution 3.0 Australia License