Ang mga nangungupahan sa ari-arian ng Department of Housing and Public Works ay nagbabayad ng upa batay sa porsyento ng kanilang kabuuang kita ng sambahayan o ang pangmerkadong upa ng ari-arian, kung alinman ang mas mababa.
Ang pagkalkula sa upa ay depende sa papel at edad ng mga kasambahay at kung ang mga uri ng kita na natatanggap ay maaari o di-maaring matasa i. Sa pangkalahatan, karamihan sa mga pensyon at panustos mula sa Centrelink at Department of Veterans Affairs at ang lahat ng mga sahod, suweldo at di-pirmihang kita, ay tatasahin.
Paano tinatasa ang iyong kita para sa upa
Ang kita sa trabaho ay tinatasa pagkatapos ng buwis (ibig sabihin ang iyong lingguhang kabuuang kita na binawasan ng buwis na binabayaran mo). Ang porsyento ng natatasang kita na ginagamit sa mga kasambahay ay ang mga sumusunod:
| Kasambahay | Porsyento ng natatasang kita |
|---|---|
| Umuupa at kanilang asawa | Lahat ng natatasang kita ay tatasahin sa 25% |
| Lahat ng kasambahay na 25 taong gulang at pataas | Lahat ng natatasang kita ay tatasahin sa 25% |
| Lahat ng kasambahay na mababa sa 25 taong gulang | Lahat ng natatasang kita ay tatasahin sa 10% |
| Lahat ng kasambahay na mababa sa 18 taong gulang na nag-aaral nang Full-time sa anumang pang-edukasyon pasilidad (halimbawa, paaralan, traineeship, TAFE o unibersidad) | Walang tatasahing di-pirmihang kita |
Ang porsyento ng kabuuang natatasang kita para sa bawat kasambahay ay kinakalkula at idinadagdag nang sama-sama upang makagawa ng kabuuang babayarang upa.
Pagpapalagay ng kita
Ang upa ay tinatasa sa pormula na isinasaalang-alang ang lahat ng mga kinikita sa sambahayan. Ang mga kliyenteng walang kita, mababa ang kita o hindi makapagbigay ng ebidensiya ng kanilang kita, ay ipapalagay ang kita base sa katumbas ng kanilang kabayaran mula sa Centrelink.
Ang Equivalent Centrelink Payment ay ang kabayarang na pinakamalapit na katapat ng iyong kalagayan, kahit na hindi ka karapat-dapat para sa Kabayaran. Ang katumbas na kabayaran mula sa Centrelink na tatasahin sa iyo ay depende sa iyong edad, marital status, kung kayo ay nakatira sa o malayo mula sa tahanan, o kung mayroon kang anumang mga anak.
Ang ilang mga sitwasyon kung saan ang kita ay ipapalagay ay:
- Ikaw ay tumatanggap ng pinababang kabayaran mula sa Centrelink dahil sa paglabag sa iyong mga obligasyon upang makatanggap ng kabayaran
- Ikaw ay isang bagong dating na residente at hindi makakatanggap ng kabayaran hanggang sa matapos ang panahon ng paghihintay o isang tao na sumang-ayong magbigay ng pinansiyal na suporta bilang bahagi ng iyong mga kinakailangan sa visa.
- Ikaw ay nagtatrabaho nang part-time o tumatanggap ng mababang kita at iyong pinili na hindi tumanggap ng kita mula sa Centrelink.
Upang merkado
Ang upang merkado ay ang pinakamataas na upang maaari mong bayaran at ito ay batay sa upang sisingilin para sa isang katulad na ari-arian sa mga pribadong paupahang merkado. Ang mga upang merkado ay regular na nirerepaso ng malayang mga tagatasa ng ari-arian.
- Ang iyong sambahayan ay magbabayad lang ng upang merkado kung ang upang kailangang bayaran batay sa kabuuang tinasang kita ng iyong sambahayan ay higit pa sa upang merkado.
- Kung ikaw ay nagbabayad ng upang merkado at ang upang merkado sa iyong ari-arian bumaba, awtomatiko naming babawasan ang iyong upa sa alinman sa halaga ng upang merkado o sa porsyento ng kabuuang tinasang kita ng iyong sambahayan, kung alinman ang pinakamababa.
- Kung ikaw ay nagbabayad ng upang merkado at ang upang merkado para sa ari-arian ay tumaas, hindi namin dadagdagan ang iyong upang merkado hanggang sa susunod na regular na pagrerepaso ng iyong upa.
Maaari kang mag-apela sa pagtaas ng upang merkado para sa ari-arian.
Tulong sa upa
Ang iyong tulong sa upa ay ang pagkakaiba sa pagitan ng upang binabayaran mo base sa tinatasang kita ng iyong sambahayan at upang merkado para sa ari-arian. Halimbawa:
Kung ang lingguhang upang merkado para sa ari-arian ay: $185.00
Kung ang iyong lingguhang upa (batay sa kita ng sambahayan) ay: $85.00
Ang iyong lingguhang tulong sa upa sa bahay ay: $100.00
Mga pagrerepaso sa tulong sa upa
Ang iyong tulong sa upa ay sinusuri nang humigit-kumulang sa minsan sa isang taon.
- Ang mga kliyenteng lumahok sa Income Confirmation Service ay hindi kailangang magbigay sa amin ng katibayan ng kanilang kita mula sa Centrelink dahil makukuha namin nang direkta ang impormasyong ito mula sa Centrelink. Kung mayroon kang karagdagang kita, kami ay hihiling ng katibayan ng kitang ito upang makumpleto ang pagrerepaso sa iyong upa.
- Kung ikaw ay hindi lalahok sa Income Confirmation Service, papadalhan ka namin ng isang sulat na humihiling sa iyo na magbigay ng ebidensiya ng lahat ng kita para sa iyong sambahayan.
Ang mga sulat na ito ay maglilista ng mga kinakailangang katibayan ng kita at ang huling petsa na dapat mong ibigay ang impormasyong ito sa Housing Services. Kung hindi ka magbigay ng mga kinakailangang katibayan sa huling petsa, tatanggalin ang iyong tulong sa upa at ikaw ay sisingilin ng upang merkado.
Tandaan: Kung hindi mo ibigay ang iyong impormasyon sa kita kapag hiniling, ang iyong pagiging karapat-dapat para sa patuloy na tulong sa pabahay ay maaaring maapektuhan at maaari kang paalisin sa iyong ari-arian.
Mga pagbabago sa iyong sambahayan sa pagitan ng mga pagrerepaso sa upa
Kung ang kita ng iyong sambahayan ay bumababa anumang oras, rerepasuhin namin ang iyong upa at ipapatupad ang anumang pagbawas sa iyong upa mula sa petsa na iyong ibinigay ang ebidensiya.
Ipinag-uutos ng Housing Act 2003 na ipaalam mo sa amin ng anumang mga pagbabago sa iyong kita, o kita ang sino mang kasambahay, sa loob ng 28 araw ng pagbabago.
Kung ang kita ng iyong sambahayan ay tumaas dahil may isang bagong taong lumipat o ang isang bisita ay mananatili nang mas mahaba sa apat na linggo, dapat mong sabihin sa amin sa loob ng 28 araw. Ang iyong upa ay rerepasuhin at kami ay susulat sa iyo tungkol sa bagong halaga ng iyong upa.
Mangyaring tandaan: Kung hindi mo ipinahayag ang impormasyon sa loob ng 28 araw, maaari kang magmulta sa ilalim ng Housing Act 2003 at ang iyong upa ay maaari ring i-backdate.
Karagdagang impormasyon
Mangyari sanang kumontak sa iyong pinakamalapit na tanggapan ng Housing Services. Gayun din tumingin fact sheet na.
- Paano babayaran ang iyong upa
- Paano babasahin ang rental statement
- Paano kakalkulahin ang iyong upa.




This work is licensed under a Creative Commons Attribution 3.0 Australia License