Maraming iba't-ibang paraan ng pagbabayad ng iyong upa sa gayon maaari mong piliin ang paraan ng pagbabayad ng upa na akma sa inyong pangangailangan. Dapat tiyakin ng mga nangungupahan na pumirma sa State Tenancy Agreements na ang kanilang mga upa ay nababayaran.
EasyPay
Ang EasyPay ay isang elektronikong paraan ng pagbabawas na nagbabawas ng iyong bayad at ibinabayad ito nang direkta sa Kagawaran ng mga Department of Communities (Housing and Homelessness Services).
Ang EasyPay ay nakakatipid sa iyo ng oras at pagsisikap, at ang iyong upa ay nababayaran sa oras kahit na kapag ikaw ay nasa bakasyon o magkasakit. Ang pamamaraan ay kusang-loob mong sasalihan at walang bayad.
Maaari ka ring magbayad ng atraso sa upa, maintenance repayments, utang sa dating pangungupahan, dagdag na upa at bayad sa bond loan sa pamamagitan ng panukalang ito. Kung nabago ang iyong mga upa, ipaalam namin sa iyo sa pamamagitan ng sulat. Ang Centrelink ay tumatanggap din ng electronic na abiso sa pagbabago ng upa at pagkatapos ay magsisimulang magbawas ng bagong halaga.
Ang EasyPay ay binubuo ng tatlong uri ng mga elektronikong pagbabawas:
- Rent deduction scheme
- Ang upa ay maaaring ibawas nang direkta mula sa mga kabayaran ng Centrelink at ibabayad nang direkta sa Housing Services bawat dalawang linggo. Ang serbisyong ito ay hindi magagamit para sa mga kabayarang Family Tax Benefit.
- Ang upa ay maaaring ibawas para sa higit sa isang tao sa sambahayan. Ang bawat tao ay kailangang magkumpleto ng kanilang sariling mga EasyPay Authority Form at maghirang ng halagang ibabawas mula sa kanilang mga kabayaran mula sa Centrelink.
- Direct deduction facility
- Ang upa ay maaaring ibawas nang direkta mula sa mga kabayaranng Department of Veteran Affairs at ibabayad nang direkta sa Housing Services bawat dalawang linggo.
- Ang upa ay maaaring ibawas para sa higit sa isang tao sa sambahayan Ang bawat tao ay kailangang magkumpleto ng kanilang sariling mga EasyPay Authority Form at maghirang ng halagang ibabawas mula sa kanilang mga kabayaran mula sa Veteran Affairs.
- Ang bayad sa bond loan ay hindi maaaring ibawas sa pamamagitan ng direct deduction facility.
- Bank direct debit
- Ang upa ay maaaring ibawas nang direkta mula sa iyong account sa bangko, credit union o building society. Ang ilang mga account, tulad ng mga passbook account, ay hindi electronic at hindi maaaring gamitin. Kung may pagdududa, dapat kang makipag-alam sa iyong institusyong pampinansiya.
- Ang serbisyong ito ay kusang-loob at ito ay libre sa anumang mga singil mula sa Housing Services. Gayunman, maaari kang singilin ng iyong institusyong pampinansiya ng bayad sa transaksyon, at maaari din silang sumingil ng dishonour fee kung walang sapat na pondo sa iyong account sa oras na iyon. Sisingilin ka rin namin ng karagdagang dishonour fee kung walang sapat na pera sa iyong account sa oras ng pagbawas. Maaari mong maiwasan ang mga dishonour fee sa pamamagitan ng pagkontak sa amin upang isuspindi ang pagbawas sa iyo
- Ang upa ay maaaring ibawas para sa higit sa isang tao sa sambahayan. Ang bawat tao ay kailangang magkumpleto ng kanilang sariling mga EasyPay Authority Form at maghirang ng halagang ibabawas mula sa kanilang mga kabayaran mula sa kanilang bank account.
Upang gamitin ang serbisyo ng EasyPay mangyaring magtanong sa iyong pinakamalapit na tanggapan ng Housing Services para sa authority form.
BPAY
Ang BPAY ay isang mabilis, madali at maginhawang paraan upang magbayad ng iyong upa sa elektronikong paraan. Maaari mong gamitin ang BPAY kung ikaw ay isang rehistradong phone banker o internet banker sa isang kalahok na institusyong pampinansya. Tanging ang mga debit card lamang ang tinanggap ng BPAY para sa kagawaran. Maaari kang singilin ng bayad ng iyong institusyong pampinansya para sa paggamit ng BPAY.
Upang simulan ang paggamit ng serbisyong ito, tumawag muna sa phone banking service ng iyong institusyong pampinansya o mag-log on sa kanilang internet banking service. Kakailanganin mo ang sumusunod na impormasyon:
- Biller Code (747337), at
- ang iyong account number. Ang account number na gagamitin mo para sa BPAY ay ang 15 digit na Customer Reference Number na nakaimprenta sa iyong Rental Payment Card.
Kung nagkamali ka sa paggamit ng BPAY at hindi mo ito maitama, kontakin ang iyong institusyong pampinansya. Kakailanganin mo ang numero ng resibo mula sa transaksyon upang sila ay makatulong sa iyo.
Kung ikaw ay nakakaranas ng problema sa paggamit ng BPAY, mangyaring kontakin ang iyong institusyong pampinansya.
Payment cards
Maaari kang gumamit ng mga card sa pagbabayad upang makagawa ng mga pagbabayad sa anumang Australia Post Office. Ang payment card ay computer encoded na naglalaman ng iyong mga detalye at kung anong uri ng payment card ito.
Ang payment card ay ibinibigay para sa bawat uri ng account tulad ng rental payment card upang bayaran ang iyong upa, maintenance payment card upang bayaran ang iyong utang sa maintenance, at bond loan payment card upang bayaran ang iyong bond loan.
Kung gumagamit ka ng ibang pamamaraan sa pagbayad ng upa, maaari mo pa ring gamitin ang iyong rental payment card upang gumawa ng anumang espesyal na mga bayad.
Kung ang iyong payment card ay nawala, maaari kang humiling ng kapalit na payment card sa iyong pinakamalapit na tanggapan ng Housing services.
Paulit-ulit na bayad
Maaari mong isaayos sa iyong bangko, credit union o building society na maglipat ng bayad sa upa, atraso sa upa at iba pang mga utang mula sa iyong account papunta sa kagawaran. Ang mga bayad na ito ay maaari lamang kunin mula sa isang account.
Ang serbisyong ito ay maaaring masyadong mahal, at sa karamihan sa mga kaso, ang institusyong pampinansya ay sumusingil ng bayad para sa bawat paglilipat ng bayad sa upa.
Kumontak sa iyong institusyong pampinansya upang ayusin ang paulit-ulit na pagbabayad.
Tseke o money order
Maaari kang magbayad ng iyong upa sa pamamagitan ng pagpapadala ng tseke o money order, kasama ang mga detalye ng iyong rental account number, sa Housing Services.
Ang paraang ito ay maaaring maging mahal, at hindi na ito iminumungkahi para sa regular na bayad sa upa at maaaring hindi na magagamit sa hinaharap.
Dapat gawin ang anumang mga tseke o money order para sa Department of Housing at ipadala ito sa:
Finance Services - CSQ
GPO Box 690
Brisbane QLD 4001
Ang mga tanggapan ng Housing Services at Client Service Centres ay hindi tumatanggap ng mga bayad sa upa.
Karagdagang impormasyon
Mangyari sanang kumontak sa iyong pinakamalapit na tanggapan ng Housing Services. Gayun din tumingin fact sheet na.
- Ang iyong upa.




This work is licensed under a Creative Commons Attribution 3.0 Australia License