- Masyadong mataas na pangangailangan – mga aplikanteng may pinakamataas na pangangailangan sa pabahay dahil wala silang tirahan, o ang kasalukuyan nilang pabahay ay hindi sapat at may ilan silang usapin tungkol sa pagkuha at pagpapatuloy ng pag-upa sa merkado ng pribadong paupahan.
- Mataas na pangangailangan – mga aplikanteng ang kasalukuyang pabahay ay hindi sapat at may iilan silang usapin tungkol sa pagkuha at pagpapatuloy ng pag-upa sa merkado ng pribadong paupahan.
- Katamtamang pangangailangan – mga aplikanteng ang kasalukuyang pabahay ay hindi sapat at may mas kaunti silang usapin tungkol sa pagkuha at pagpapatuloy ng pag-upa sa merkado ng pribadong paupahan.
- Mababang pangangailangan – mga aplikanteng may usapin sa kanilang kasalukuyang pabahay ngunit walang kahit anong sagabal sa pagkuha at pagpapatuloy ng akmang pabahay. Mayroon silang pinansyal na pamamaraan at kakayahan upang umupa ng akmang pabahay sa pribadong sektor.
Tandaan: Ang mga aplikanteng nasa bawat antas ng pangangailangan sa pabahay ay itinuturing bilang magkapantay at nakatala ayon sa petsa ng kanilang aplikasyon.
Ikaw ay ililista sa talaan ng pabahay para sa uri ng pabahay at ang bilang ng silid-tulugan na ikaw ay karapat-dapat para sa mga lugar na iyong pinili. Sa iyong Application for Housing Assistance, kailangan mong maglista ng anim na lokasyon (suburbs, mga bayan, mga lungsod) na iyong pinili, maliban kung:
- saan ipinakita mo ang pangangailangan na manirahan sa isang partikular na lokasyon, o
- kung ikaw ay nag-aaplay para sa ari-arian sa isang rehiyon o malayong lugar.
Tandaan: Maaari kang alukin ng pabahay mula sa alinman sa iyong napiling lugar.
Kokontak kami sa iyo sa regular na pagitan upang repasuhin ang iyong pagiging karapat-dapat at pangangailangan sapabahay.
Kailan ginagawa ang alok ng pabahay?
Hindi namin mahuhulaan kung kailan gagawin ang pag-aalok ng panlipunang pabahay para sa iyo. Ang mga alok ng pabahay ay apektado ng:
- bilang ng mga ari-arian sa lugar na nais mong tirahan
- ang bilang ng mga ari-ariang pwede nang makuhat (hal. mula sa mga taong umaalis ng panlipunang pabahay)
- bilang ng mga taong nakalista sa talaan ng pabahay na may mas mataas na pangangailangan sa pabahay kaysa sa iyo at sa nakalista para sa parehong mga lugar na iyong pinili, at
- mga taong nakalista sa talaan ng pabahay na may parehong pangangailangan sa pabahay na katulad mo ngunit ang kanilang mga aplikasyon ay inaprubahan bago ang sa iyo para sa parehong mga lugar na iyong pinili.
Bawat isa sa mga bagay na ito ay maaring magbago nang mabilis.
Kung ikaw ay nakalista sa talaan ng pabahay bilang mayroong katamtaman o mas mababang pangangailangan sa pabahay, maaaring hindi namin maibigay sa iyo ang panlipunang pabahay at maaari mong isaalang-alang ang iba pang mga pagpipilian sa pabahay. Kailangan mong makipag-usap sa iyong pinakamalapit na tanggapan ng Housing Services tungkol sa iba pang magagamit na tulong sa pabahay.
Ang mga pagbabago sa iyong kalagayan o pangangailangan sa pabahay
Kung ikaw ay inaprubahan para sa tulong na pabahay, dapat mong kaming sabihan sa anumang mga pagbabago sa kalagayan ng iyong sambahayan o pangangailangan sa pabahay. Regular naming rerepasuhin ang iyong pagiging karapat-dapat at antas ng pangangailangan sa pabahay kaya mahalagang ang impormasyong ito ay mapanatiling up-to-date.
Kabilang dito ang mga pagbabago sa:
- ang iyong address - ang iyong aplikasyon ay ikakansela kung wala sa amin ang iyong kasalukuyang address at hindi makapag-ugnayan sa iyo
- ang iyong pangalan, halimbawa, kung kayo ay nagpakasal, nakipagdiborsiyo o hiwalay na
- bilang ng mga tao sa iyong aplikasyon sa pabahay, hal. ikaw ay may isa pang anak, ikaw at ang iyong kapareha ay naghiwalay, magdagdag ka ng isang bagong kasambahay sa inyong aplikasyon o isang kasambahay na nakalista sa iyong aplikasyon ang umalis
- kalusugan ng isang kasambahay, halimbawa, kung ang isang kasambahay ay hindi maaaring umakyat sa hagdan o partikular na mga pangangailangan sa pabahay na nagresulta sa kapansanan o medikal na kondisyon. Kailangan mong magbigay ng katibayan mula sa isang medikal na praktisyoner na nagpapaliwanag kung paano ang mga pagbabago sa kalusugan ay nakakaapekto sa iyong mga pangangailangan sa pabahay.
- iba pang kaugnay na mga isyu sa pabahay
- hindi mo na kailangan ng tulong sa pabahay.
Babaguhin namin ang aming mga rekord na may bagong impormasyon at muling suriin ang iyong pagiging karapat-dapat para sa panlipunang pabahay. Kung ikaw ay karapat-dapat pa rin, papadalhan ka namin ng isang sulat tungkol sa desisyon. Kung ikaw ay hindi karapat-dapat para sa panlipunang pabahay, papadalhan ka namin ng sulat tungkol sa desisyon at ang mga dahilan kung bakit ito ay ginawa.
Ang pagpapalit ng iyong mga lugar na nakalista
Maaari mong palitan ang mga lugar kung saan mo nais na manirahan hanggang sa ikaw ay alukin ng pabahay. Kung dati kayong nagpakita ng pangangailangan tumira sa partikular na lugar, dapat mong talakayin ang mga dahilan kung bakit nais mong palitan kung saan mo nais na manirahan sa inyong pinakamalapit na tanggapan ng Housing Services.
Tandaan: Maari mo lang baguhin ang iyong mga lugar ng gusto bago kayo alukin sa pabahay.
Pagtugon sa mga sulat at mga tawag sa telepono mula sa mga kagawaran
Kami ay regular na magpadala sa iyo ng mga sulat upang tiyakin na ikaw ay karapat-dapat pa rin para sa tulong sa pabahay upang i-update ang iyong impormasyon sa pangangailangan sa pabahay. Kung hindi ka sumasagot sa mga sulat na ito sa hiniling na panahon o sumagot sa anumang mga tawag sa telepono na ginagawa namin, ikankasela namin ang iyong aplikasyon. Rerepasuhin namin ang iyong pagiging karapat-dapat at pangangailangan sa pabahay bawat:
- anim na buwan, kung ikaw ay nakalista sa talaan ng pabahay bilang mayroong masyadong mataas na pangangailangan o mataas na pangangailangan
- 12 na buwan, kung ikaw ay nakalista bilang mayroong katamtaman o mas mababang pangangailangan.
Tandaan: isang paglabag sa ilalim ng Housing Act 2003 ang sadyaing magbigay ng mali o madayang impormasyon sa Department of Communities na maaaring maka-apekto sa mga desisyon tungkol sa iyong pagiging karapatdapat para sa serbisyong pabahay.
Mga alaga
Sabihin sa iyong pinakamalapit na tanggapan ng Housing Services kung nais mong panatilihin ang alagang hayop. Ipaalam namin sa iyo ang tungkol sa kung paano maaaring makaapekto sa iyong mga opsyon sa pabahay ang iyong pagpili ng alagang hayop ay. Ang fact sheet na Mga alagang hayop sa departmental properties ay may karagdagang impormasyon.
Kung ikaw ay magbabakasyon
Sabihin sa iyong pinakamalapit na tanggapan ng Housing Services bago ka umalis upang magbakasyon. Sinisiguro nito na ang iyong aplikasyon ay hindi kinansela kung ang sulat ay ipinadala sa iyo habang ikaw ay malayo at ito ay walang sagot.
Kung hindi mo na kailangan ng tulong sa pabahay
Kung hindi mo na gusto ang tulong para sa pabahay long, sabihin sa iyong pinakamalapit na tanggapan ng Housing Services sa lalong madaling panahon upang alisin sa talaan ng pabahay ang iyong aplikasyon.
Karagdagang impormasyon
Mangyari lamang na kumontak sa iyong pinakamalapit na tanggapan ng Housing Services.




This work is licensed under a Creative Commons Attribution 3.0 Australia License